Inilabas na ng Regal Entertainment kamakailan ang ">official teaser ng horror anthology film na “Shake, Rattle, and Roll”.

Gaya ng dati, may tatlong episode ang nasabing pelikula. Narito ang inilabas na title ng bawat episode sa latest film: Mukbang, Rage, at Glitch.

Kung titingnan ang komento ng mga netizens, tila maraming excited sa pagbabalik ng film series matapos ang siyam na taon.

Pero tila nakukulangan pa rin ang ilan dahil wala umano ang aktres na si Manilyn Reynes na nakalimang ulit gumanap sa nasabing pelikula.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Where’s her legacy sequel?!” tanong ni Drei Silvestre sa caption ng kaniyang Facebook post.

“As much as I’m happy a new ‘Shake Rattle & Roll’ is coming, I’m kinda disappointed Manilyn Reynes isn’t a part of the cast.”

Dagdag pa niya: “She was the queen of these movies! Such a missed opportunity to not have her return since big horror franchises are currently having a trend of bringing back their iconic Final Girls”.

Sumang-ayon naman ang kaniyang mga kapuwa fan sa naging sentimyento niya. Narito ang ilang komento ng netizens:

“Sayang! Isa din siya sa ineexpect ko🙃”

“Pinakasolid ung LRT 🔥”

“Sadly say pero wala nang latest movie horror si manilyn, ang galing panaman nang actings nya sa mga horror movies lalo na yung aswang movie nya”

“Truuuuee 😭😭😭”

“Petition to cast Ms. Manilyn Reyner! Regal Entertainment Inc.”

Wala pang opisyal na anunsiyo tungkol sa showing ng pelikula pero inaasahan na magiging bahagi ito sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival kagaya ng iba pang naunang “Shake, Rattle, and Roll”.