Iginala ni Kapamilya star Ivana Alawi ang fans niya sa Bangkok, Thailand sa pamamagitan ng kaniyang ">latest vlog na ibinahagi nitong Martes, Oktubre 10.

Ayon kay Ivana, mayroon umano siyang endorsement shoot sa nasabing bansa. Kaya naman para masulit na ang pananatili roon, gagala na rin siya at tsitsibog kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Crab omelette ang una nilang nilantakan sa isang karinderya. Sumunod ang drunken noodle tapos ay crispy rice vermicelli. Pero ang bestseller umano ng kinainan nilang karinderya ay ang crab omelette mismo. 8 out of 10 ang naging rating ni Ivana sa restaurant na kinainan nila.

“Medyo maalat lang ‘yung ibang food para sa akin. Pero iba-iba naman ‘yan, e. Baka sa inyo perfect na perfect siya. Pero kung ako ang papipiliin n’yo, mas na-appreciate ko pa rin pagkain natin. Pero masarap din siya. It’s a different culture. Pero ako, mahilig pa rin ako sa bulalo at sinigang,” paliwanag ni Ivana.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

฿20,950 ang bill na binayaran nila na kung iko-convert sa Philippine peso ay may katumbas na

₱32,155.

Pagkatapos mamili ng damit at shade sa mala-Divisoria na lugar sa Thailand, tsumibog ulit sina Ivana ng iba’t ibang street food. Pero ang pinaka-exciting part ay nang kumain sila ng alakdan at tipaklong.

Alanganin pa si Ivana noong simula. Pinapauna niya ang bestfriend niyang kumain bago siya para ito raw muna ang mamatay saka siya susunod.

“Mauna ka ta’s kakainin ko promise,” kumbinse niya sa kaibigan. Sumunod naman ang huli.

“Sa mga lalaking gustong humalik sa akin, magto-toothbrush ako after nito. Hindi n’yo na malalasahan ‘yung scorpion, ha,” abiso ni Ivana bago tuluyang tikman ang nasabing pagkain.

Ayon sa paglalarawan ng aktres sa kinain niya, mapait daw ito at malutong na parang hindi mo na gugustuhing kumagat pa ng isa.

Tila keri pa rin naman ng aktres na mag-round 2 pa. Tipaklong naman ang isinunod nila.

Pero dito na nagusot ang mukha ni Ivana at nangilid pa ang luha sa mata na tila isang indikasyon na hindi na niya kaya pang sikmurain ang kaniyang mga kinain. O ang posibilidad na baka wala nang humalik pa sa kaniya.

Ang sey niya kasi: “Sana halikan n’yo pa rin ako”.

“Masarap ‘yan tapos may iki-kiss ka ngayon,” hirit naman ng kaibigan niya.

“Ay, hindi ngayon. Pag-uwi ko patay ka sa akin.”

“Doon mo malalaman kung mahal ka talaga ng tao.”

Sa huli, pabirong nag-sorry si Ivana sa kaniyang ina dahil sa mga pinaggagawa niya sa Thailand kasama ang mga kaibigan.

Samantala, sa kaniyang nakaraang vlog, nakasama naman ni Ivana ang aktres na si Andrea Brillantes kung saan ay tila may malalim silang hugot dahil lagi raw silang pinaglalaruan.

MAKI-BALITA: Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’ – Balita