Inamin ng aktor na si Gabby Concepcion na matagal na umano siyang kabilang sa Person With Disability nang kapanayamin siya ni Kapuso broadcast-journalist Jessica Soho noong Linggo, Oktubre 8.

Sabi ni Gabby: “Mayroon na akong ano, e, PWD. Matagal na.”

“As what?” tanong ni Jessica.

“I’m color blind.”

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“Ah, anong kulay ‘yung hindi mo nakikita?”

“Green and red. ‘Pag tumitingin ako ng color or anything na mahina na ‘yung ilaw, nahihirapan akong i-differentiate.”

Kaya bilang diver, kapag nawawala na ang ilaw, gray na lang umano ang nakikita niya kapag sumisisid siya sa kailaliman ng dagat at ang mga makukulay na isdang naroon ay nagiging black and white.

Kinapanayam din ni Jessica sa ">episode na ito ang dating asawang si Sharon Cuneta sa magkahiwalay na lugar. Muling magsasama ang dalawa sa isang reunion concert sa Oktubre 27, 2023 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘magkakabalikan’ – Balita