Pinag-usapan nina showbiz columnist Ogie Diaz, Ate Mrena, at Mama Loi ang social media couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario sa “">Ogie Diaz Showbiz Update” noong Martes, Oktubre 9.

Usap-usapan kasi sa social media ang ginawang pagbebenta umano ni Whamos ng kaniyang mga ari-arian sa “Pinoy Pawn Star” ni Boss Toyo kamakailan.

Nagkaroon tuloy ng espekulasyon ang mga netizen na naghihirap na umano ang dalawa kaya sukdulang ibenta na hindi lang ang mga alahas kundi pati ang sariling bahay. At ang itinuturo umanong dahilan sa likod ng “paghihirap” na ito ay ang pagpapa-liposuction ni Antonette.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinilad ni Antonette ang kaniyang postpartum body at nangakong magbabalik-alindog.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hirit ng mga netizen, sana raw ay nag-natural diet na lang si Antonette para mas makatipid.

“Tapos, may nagsa-suggest naman, bakit daw hindi si Whamos Cruz ‘yung nagparetoke,” sabi ni Ogie.

“Kayo naman,” pananaway ni Mama Loi, “baka si Whamos happy na naman na siya the way he looks, di ba.”

Pero pinabulaanan na ni Whamos ang mga kumakalat na tsismis at nilinaw na ilalaan niya umano sa investment at gastusin sa bahay ang napagbentahan ng kaniyang mga ari-arian.

MAKI-BALITA: Antonette Gail ibinilad postpartum body; magbabalik-alindog