Kinilala ng 20th Gawad Tanglaw ang mga show at personalidad ng GMA Network at ABS-CBN, na ginanap sa Manuel L. Quezon University sa Maynila noong Oktubre 8, 2023.
Hinirang bilang "Best TV Network" ang GMA Network.
Recipient naman ang award-winning journalist na si Atom Araullo ng "Gawad Prof. Jan Henry Choa, Jr." para sa Sining at Kultura ng Malayang Pamamahayag.
Ang yumaong 24 Oras news anchor na si Mike Enriquez ay pinarangalan ng "Posthumous Award" bilang Natatanging Tanglaw sa Sining ng Radyo at Telebisyon.
"Best Historical Fantaserye" naman ang "Maria Clara at Ibarra" para sa "Gawad Kapuri-puring Programa sa Telebisyon o Digital Media.
Sa kabila ng mga isyu at suspensyong kinahaharap, ang noontime show na "It's Showtime" ang pinarangalan bilang "Best Variety Program."
Bukod sa It's Showtime, kinilala rin sa nabanggit na kategorya ang "ASAP Natin 'To."
Ang hosts nitong sina Gary Valenciano at Anne Curtis ay nakatanggap ng Gawad Sa Sining at Kultura ng Paglilingkod sa Bayan award. Ang hosts nitong sina Gary Valenciano at Anne Curtis ay nakatanggap ng Gawad Dr. George Tumamak, Jr. para sa Sa Sining at Kultura ng Paglilingkod sa Bayan award.
Ang kontrobersiyal na host naman na si Vice Ganda ay nakatanggap ng Gawad Dr. Debbie Francisco para sa Sining at Kultura ng Pangmadlang Komunikasyon.
Big winner din ang ABS-CBN na pinarangalan bilang "Best Media Company" at "Best Digital Media Company."
"Best teleserye" naman ang "The Broken Marriage Vow" at ang bida rito na si Kapamilya Silent Superstar Jodi Sta. Maria ang itinanghal na Best Actress. Si Piolo Pascual naman ang hinirang na "Best Actor."
"Best TV Newscast" naman ang "TV Patrol," at si Henry Omaga Diaz ang pinarangalan bilang "Best TV News Anchor."
Sina Doris Bigornia at Alvin Elchico naman ang pinarangalan bilang "Outstanding Teleradyo Anchors."
Congrats mga Kapamilya at Kapuso!