Inamin ni “Pop Rock Royalty” Yeng Constantino na hindi umano gusto ng kaniyang ina na maging rakista siya dati nang kapanayamin siya ni Korina Sanchez nitong Linggo, Oktubre 8.

“Ayaw daw ng nanay mo na kakanta ka?” tanong ni Korina.

“Ayaw niya po akong maging rock star o rakista. Gusto niya akong mag-artista dahil ‘mas may pera doon, ‘nak. Mas maraming yumayaman sa pag-aartista. Pero pag naging rakista ka, naku, walang pera diyan, ‘nak, ‘wag mo nang subukan’,” kuwento ni Yeng.

Pero talagang mahal ni Yeng ang pagkanta simula noong siyam na taong gulang pa lang siya. Sa katunayan, ang unang singing contest na sinalihan umano niya ay ₱5 lang ang premyo. Pero pinatos pa rin niya dahil sa kagustuhang masaksihan ng mga kapitbahay niya na kumakanta siya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Noong nanalo ako ng limang piso, nakakaadik pala ‘yung feeling ng ganoon. Pwede pala ‘to. Mapapansin ako,” dagdag pa ni Yeng.

Tanong naman ni Korina: “Anong ginawa mo sa limang piso?”

“Bumili po ng ice cream. So, counter-productive,” natatawang sagot niya.

Simula noon, sa tulong ng kaniyang ama na nagsilbing manager niya, nagtuloy-tuloy na ang simula ng pakikipagsapalaran ni Yeng sa pinili niyang larangan para matulungan ang kaniyang pamilya.

Matatandaang kamakailan ay inamin ni Yeng na hindi pa umano siya handang magbuntis dahil maaga siyang nagtrabaho at nito lang niya ganap na na-enjoy ang sariling buhay nang magkaasawa.

MAKI-BALITA: Yeng Constantino, di pa handang mabuntis