Kinaaliwan ng netizens ang naging reaksiyon ni Kapuso actress Jennylyn Mercado sa TikTok video ng asawang si Dennis Trillo na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account kamakailan.

Ginawa kasi ni Dennis ang trend na “Bakit malungkot ang beshy ko?” kung saan tumambling-tambling siya at umisplit pa.

Sey tuloy ni Jennylyn: “Hay naku, Dennis! Makakabasag ka na naman sa bahay.”

“Ang likot niyan talaga. Malikot ‘yang asawa ko na ‘yan. O, ano pang bago?” natatawang sabi pa niya.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa reaksiyon ng aktres:

“So funny and lovely couple”

“Love you both😍😍”

“Perfect for each other”

“Happy kasama ang malikot ma’am Jen 🥰”

“Ang saya nila kasi matagal silang naging mag bf gf kaya kilala n nila ang isat isat❤️❤️❤️”

“Ang sweet niyo po ms jen idol ko kayo pareho.. 😍😍”

“Happy kasama ang malikot ma’am Jen 🥰”

Matatandaang kamakailan lang ay inamin ni Dennis sa kaniyang panayam kay Boy Abunda na taon pa umano ang lumipas bago siya nakumbinseng gumawa ng mga TikTok video.

MAKI-BALITA: Dahil ‘shy type:’ Dennis Trillo ilang taon bago nakumbinsing mag-TikTok