Nagluksa ang aktres na si Iwa Moto sa kaniyang Instagram account nitong Lunes, Oktubre 9, dahil sa pagpanaw ng anak ni “Pepito Manaloto” actress Janna Dominguez na si Ysabel Ablan.

“My heart is in so much pain… still can’t believe that my ate chabelits is gone. Heaven is lucky to have such a wonderful person. To all the people asking. Yzabel is my 1st born daughter. And yes hindi ako ang biological mom nya. I was her stepmom for a couple of years,” pahayag ni Iwa sa caption ng kaniyang post.

Sabi pa niya: “Pero i know in my heart na mahal na mahal ko sya kahit di ako ang nag luwal sa kanya sa mundong to. Sya ang 1st ko sa madaming bagay. Tinuruan nya akong maging mommy. Maging patient, she always tells me that to be fully happy i have to learn to forgive.. and she is a survivor. Sobrang daming mong pinagdaanan anak. Nalampasan mo yun. And you become the best version of yourself❤️ you have touched so many lives anak”.

Nagpasalamat din si Iwa kay Janna dahil kahit matagal silang hindi na nagkikita, lagi pa rin umano itong bumabati, magkukuwento, o kaya’y magrereklamo sa mga bagay-bagay. Hiling niya, sana raw ay nagkaroon pa sila ng mas mahabang panahon para magsama.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa huli, humingi si Iwa ng paumanhin sa lahat ng naging pagkakamali niya sa dalaga.

“Im sorry if i fail you anak. Sorry sa mga pagkakamali ko. tandaan mo anak na sobrang mahal ka ni mommy. See you in my dreams anak. 🦋”

View this post on Instagram

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)

Ayon sa inang si Janna, “sudden heart failure” at “lung infection” umano ang naging dahilan ng pagpanaw ni Yzabel.