Kinaaliwan ng mga netizen ang eksena ng kritikal na kalagayan ni Renz Joshua Baña o mas kilalang “Baby Giant” sa isang episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” kamakailan.

“Anong nangyari kay Baby GIANT sa Batang Quiapo (TV series)? Bakit nag-25-25? 😞” tanong ng Facebook page na may pangalang “Hopiang Makaduday” sa caption ng post nito.

Nagkainitan kasi ang grupo nina Tanggol at Bong habang nasa loob ng kulungan. Humantong sa suntukan na sa dulo ay nauwi sa saksakan. Pare-parehong malubha ang mga sangkot sa gulo. Isa na nga ang karakter ni Baby Giant. Na ayon mismo sa doktor, kailangan umanong operahan dahil may pagdurugo sa loob ng katawan na pwede nitong ikamatay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero iba ang naging tugon ng mga netizen sa caption ng nasabing post. Narito ang kanilang mga nakaaaliw na komento:

“Kawawa naman uso talaga Dengue ngayon sa mga bata”

“nag ngingipin lang yan”

“Ganyan tlga ang baby pag premature”

“Kinabagan lang yan. Di pa kasi napapa burp”

“nalunod daw sa tabo”

“Pag galing mo bigay ko na sayo blender namin , para di ka na mahirapang maglaba😃”

“Lagnat laki lang yan.”

Kamakailan ay naging viral din si Baby Giant dahil sa larawan nila ng social media personality na si Toni Fowler at kapuwa niya rin artista sa nabanggit na serye.