Nasa 1,000 residente ng Paombong, Bulacan ang nakinabang sa ipinamahaging puslit na bigas sa bansa, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang rice distribution activity sa Paombong Municipal Court nitong Lunes, Oktubre 9.

Ikinatwiran ng opisyal, bahagi lamang ito ng hakbang ng gobyerno upang mabigyan ng sapat na food supply ang mahihirap na pamilya sa bansa.

Ang ipinamigay na bigas ay bahagi ng nasamsam na P42 milyong smuggled na bigas sa isang bodega sa San Jose Gusu, Zamboanga City nitong Setyembre 15.
National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail