Pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez si “Queen of All Media” Kris Aquino sa “Showbiz Now Na” nitong Sabado, Oktubre 7.

Matatandaang muling nagparamdam si Kris kamakailan sa kaniyang social media accounts nang ibahagi niya ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang kalusugan.

At napansin umano ni Cristy ang komento ng mga Pilipino sa mga post ni Kris. Tila umay na umay raw ang mga ito sa Queen of All Media.

“Naku, tama ‘yang nararamdaman mo, Nay,” pagsang-ayon ni Romel. “Kasi napansin ko rin talaga ultimo sa mga comments at sa mga nagbi-views ng kaniyang mga post, konti na rin.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hindi rin nakaligtas sa puna ni Cristy ang tila cryptic post ni Kris na ang sinasaad ay “They weren’t sorry when you didn’t know. Remember that”.

“Mayroong sinasabi doon ‘yung mga kababayan natin. ‘Ayan ka na naman. Nakaramdam ka lang ng medyo pagganda ng katawan mo, ng BP mo, heto ka na naman. May mga parinig ka na naman. Hindi mo na lang tutukan na gumaling ka na agad’,” saad pa ni Cristy.

Dagdag pa nila, kaya raw muling “nag-iingay” ay dahil tila gusto nitong mapag-usapan din siya gaya ng mga kasabayan niyang artistang sina Vilma Santos, Snooky Serna, Sharon Cuneta, at Maricel Soriano.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, bumubuti ang kalagayan?