Nasa ika-17 puwesto na ang Pilipinas sa medal tally sa huling araw ng 19th Asian Games sa China.

Sa Facebook post ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Linggo ng umaga, napako pa rin sa 18 medalya ang nakolekta ng Team Philippines, tampok ang apat na gold, dalawang silver at 12 bronze.

Kabilang sa nag-uwi ng gintong medalya sina Ej Obiena (men's pole vault), Margarita Ochoa (women's 48kg Jiu Jitsu), Annie Ramirez (women's 57kg Jiu Jitsu) at Gilas Pilipinas.

Habang isinusulat ang balitang ito, isang atleta na lamang ng Pilipinas--si karateka Junna Tsukii, ang kasalukuyang nakikipaglaban sa women's kumite-50kg event sa Linping Sports Centre Gymnasium sa Hangzhou nitong Linggo.
National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'