Maligayang pagbabalik, Gilas Pilipinas!

Nakauwi na ng Pilipinas ang koponan ng Gilas Pilipinas matapos nilang masungkit ang pinakaa-asam-asam na gintong medalya sa men’s basketball sa 19th Asian Games kamakailan.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 8, nagbahagi ang Philippine Sports Commission (PSC) ng ilang mga larawan ng pagbabalik ng mga miyembro ng Gilas sa pangunguna ng kanilang head coach na si Tim Cone.

“The PSC proudly welcomed the Asian Games basketball kings Gilas Pilipinas on their arrival in the country after their successful campaign at the 19th Asian Games in Hangzhou, China,” anang PSC sa naturang post.

Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games

“There to welcome them was PSC Executive Director Paulo Francisco Tatad who thanked them for their selfless and historic contribution for the country. Maraming salamat sa pagpapatunay na #BidaAngBayaningManlalaro,” dagdag pa nito.

Matatandaang matapos ang anim na dekada ay nakamit din ng Pilipinas ang gintong medalya sa Asian Games nang pataubin ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Jordan sa score na 70-60 noong Biyernes, Oktubre 6.