Kasama si Special Envoy to China Ambassador Teodoro Locsin, Jr. sa rotation at resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal kamakailan.

Ito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado at sinabing bahagi ito ng "official mission" ni Locsin upang makakuha ng firsthand information sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Sumakay si Locsin sa isa sa barko ng Philippine Coast Guard na escort ng dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagdala ng supplies sa mga tropa ng gobyerong nakapuwesto sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Oktubre 4.

"As Special Envoy, he is expected to be up to date on the matters that he will discuss with China; and there is no better way to understand the West Philippine Sea issue than to see, for himself, what is happening in our own waters,” pagtatanggol ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza.

“We are confident that this firsthand information will allow him to effectively convey our concerns to China,” dagdag pa ng tagapagsalita ng DFA.

Matatandaang nagsagawa na naman ng delikadong pagmamaniobra ang barko ng China Coast Guard (CCG) sa pagtatangkang hadlangan ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na sakay ng BRP Cabra sa nasabing resupply mission.