National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), inatasan din ng Pangulo ang mga ahensya na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tel Aviv at sa Migrant Workers Office (MWO) sa Israel upang hanapin ang mga Pinoy na apektado ng giyera.

“The President has instructed the Department of Migrant Workers (DMW) and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to locate and account for all overseas Filipino workers (OFWs) and their families in Israel,” anang PCO.

“The DMW has opened a hotline and several Viber and WhatsApp hotline numbers that will accept calls and queries from our OFWs and the Filipino community who are in need of government assistance,” pahayag naman ng ahensya.

Naiulat na mahigit sa 200 Israeli ang nasawi matapos ang biglaang pag-atake ng Hamas sa Israel nitong Linggo ng madaling araw.

Kaugnay nito, kinondena rin ni Marcos ang naturang paglusob kasabay na rin ng pakikiramay ng Pilipinas sa mga pamilya ng mga nasawi sa digmaan.

“The Philippines conveys its deepest sympathies and condolences to those who have lost family members and loved ones in recent attacks. The Philippines condemns the attacks, especially against civilian populations,” pahayag pa ng Office of the President (OP).