Naantig ang damdamin ng mga netizen sa kuwento ng isang education graduate at nakapasa sa Licensure Examination for Teachers o LET na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na kidney cancer, kaya hindi nakadalo sa oath-taking upang makuha ang kaniyang lisensya bilang isang ganap na "Licensed Professional Teacher" o LPT.

Mababasa sa viral Facebook post ng Professional Regulation Commission (PRC) Regional Office III-San Fernando City ang pagsorpresa nila kay Mark Baduria mula sa Talavera, Nueva Ecija sa pagdiriwang ng World Teachers' Day.

Ayon sa kanilang post, si Baduria na may iniindang kanser sa kidney, ay nakapag-take at nakapasa sa LET na kinuha niya noong Oktubre 2022.

"Mr. Baduria, a kidney cancer patient from Talavera, Nueva Ecija, exhibited incredible resilience by taking the Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) in October 2022. His unwavering commitment to his dreams paid off when he passed the examination and was able to take his oath as a professional teacher in February 2023. However, the hurdles he faced did not end there," saad sa kanilang post.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Nag-request daw si Baduria na kung maaaring magkaroon siya ng assistance upang makuha ang PRC documents na kailangan niya, dahil hindi siya basta makabiyahe dahil sa kaniyang kasalukuyang kondisyon. Kaya lang, may polisiya ang PRC na kailangang personal na asikasuhin ng isang LET passer ang paglalakad ng kaniyang mga dokumento.

Sa pagpapatuloy, "Due to the formidable challenges posed by his condition, Mr. Baduria found himself unable to travel to his chosen PRC Office to claim his first Professional Identification Card (PIC), a vital document for any Professional Teacher embarking on their career."

"Undeterred, he reached out to PRC Regional Office III, requesting assistance in securing his PRC documents through a representative. Unfortunately, existing policies dictate that the initial registration transaction requires a personal appearance, creating an impasse."

Ngunit sabi nga raw, "where there is a will, there is a way."

Nabagbag ang puso ng mga taga-PRC sa kaniyang kuwento, kaya nagkaroon ng special arrangement para sa kaniya. Personal na sinadya ng mga opisyal ng komisyon ang tahanan ni baduria upang personal na maiabot sa kaniya ang inaasam-asam na PRC ID.

"Led by its compassionate Regional Director Paul H. Aban, and through the diligence of the Chief of the Licensure and Registration Division, Mr. John Kelvin R. Briones, PRC Regional Office III organized a special arrangement to cater to Mr. Baduria’s unique situation."

"PRC Regional Office III, exemplifying the spirit of empathy, went above and beyond to help Mr. Baduria realize his dream and grant his request that he be able to hold his PRC ID on the World Teachers’ Day."

"Director Aban personally visited Mr. Baduria on October 5, 2023 to facilitate his initial registration. Mr. Baduria not only received his Professional Identification Card (PIC); he also received his Certificate of Registration and Certification of Rating and Passing on the same day."

Hangad umano ng PRC ang lubusang paggaling ni Baduria at magsilbi sana siyang inspirasyon sa lahat.

"PRC Region 3 also wished Mark Baduria a speedy recovery and hoped that he would soon be able to practice his profession with the same passion that fueled his journey."

"Mr. Baduria’s story serves as a beacon of hope and a poignant reminder that in the face of adversity, such as this life-altering diagnosis, the determination and resilience of the human spirit can conquer even the most challenging circumstances."

"As we celebrate World Teachers’ Day, may Mr. Baduria's remarkable story serve as a source of inspiration and a testament to the power of perseverance, empathy, and the unwavering human spirit in the pursuit of knowledge and a better tomorrow," pahayag pa.

Shinare naman ni Baduria ang viral post ng komisyon at kaagad siyang nagpahayag ng pasasalamat.

"Thank you PRC Region III - San Fernando City , sana ay maging inspirasyon sa nakararami at mapansin na may isang tao na lumalaban at need ng tulong para maabot ang pangarap 🙏," aniya.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Baduria, taos-puso ang kaniyang pasasalamat sa mga opisyal ng PRC Region 3 dahil sa kanilang simpatya para sa kaniya.

"Lubos po akong nagpapasalamat sa PRC, especially sa PRC Region 3 dahil sa pagtupad po nila ng hiling ko na mahawakan at mapasakin ang lisensya ko sa araw ng mga guro, napakasarap po sa pakiramdam na yung bagay na sa isa sa pinapangarap ko at pinaghirapan ng ilang taon simula sa pag aaral ay nasa akin na ang Lisensya."

Hangad din ni Baduria na magdulot ng inspirasyon sa lahat ang kaniyang sitwasyon, lalo na sa mga kapwa niya bagong graduate at may pagsubok na pinagdaraanan.

"Para sa mga kapwa ko LPT, guro at nangangarap maging guro, 'wag natin hayaan na mahadlangan ang pangarap natin at sukuan, dahil kung minsan ay sinusubok lamang tayo kung hanggang saan natin kakayanin, ilaban natin ang pangarap natin, hindi dahil nag failed tayo ay hindi na natin ito magagawa o makakamit, wag tayong susuko hanggang sa isang araw ay makamit natin ito, dahil kung minsan masarap sa pakiramdam kapag napasa'yo ang bagay na pinaghirapan mo at kung pangarap mo talaga ito, ilaban mo lalo na dahil dito ay marami kang tao sa paligid na ma inspire at may mga bata na matuturuan at matulungan para abutin din ang pangarap nila," aniya.

Kumakatok din si Baduria sa puso ng mga taong nagnanais na magpaabot ng tulong-pinansyal o kahit na anong porma ng assistance para sa kaniyang pakikipaglaban sa sakit.

Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong kay Baduria, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa kaniyang personal na Facebook account.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!