Pinayuhan ni “Diamond Star” Maricel Soriano ang Kapamilya actress na si Francine Diaz sa kaniyang latest vlog nitong Sabado, Oktubre 7.

Nag-museum date kasi ang dalawa sa “Art In Island” sa Cubao, Quezon City. As usual, habang gumagala, nagtsikahan sila. Napag-usapan ang katatapos lang na “Dirty Linen” ni Francine. Hanggang sa binati at pinuri ni Maricel ang mahusay na pagganap niya sa nasabing revenge drama series.

Pero pag-amin ng Francine, nakaramdam umano siya ng pagdududa kung tama ba ang ginagawa niya sa karakter na ginagampanan niya during the taping dahil may ilang komento siyang nababasa na hindi umano siya deserving sa role.

“Kaya po natutuwa po ako kapag ‘yung mga direktor po namin na sina Onat Diaz pati si Direk Andoy Ranay ‘pag sinasabihan nila akong very good, ‘pag sinasabihan nila akong good job,” sabi pa ni Francine.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ang payo ni Maricel, “Huwag kang magpapadala doon sa mga ganoon. Kasi ‘yun, opinyon nila. Hindi naman lahat ng tao kaya nating i-please. Pero pagdating sa trabaho mo, huwag kang maaapektuhan. Kasi hindi mo maibibigay ang lahat pagka naapektuhan ka.”

“Basta kung anong sinabi ng direktor na gawin mo, ‘yun ang gagawin mo. ‘Wag mong pakinggan ‘yung ibang tao na nambubuwisit lang para bumaba ‘yung energy level mo,” dagdag pa ni Maricel.

Sa kasalukuyan, bahagi si Francine ng iWantTFC mystery-thriller series na “Fractured”. Kasama niya sa nasabing programa ang ka-love team na si Seth Fedelin.