Postponed na muna ang concert ng Kapuso couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa bansang Israel dahil sa nagaganap na sigalot doon.

Sa isang Facebook post, sinabi ng isa sa mga organizer ng concert na si Maris Gonsalez na nasa ligtas na sitwasyon sina Rayver, Julie Anne, komedyanteng si Boobay, at kanilang mga kasama.

"Shalom!"

"Rayver, Julie, Boobay and the whole team are safe."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Regarding the concert, dahil po sa kasalukuyang situation, kailangan po nating I-postpone ang concert. Ia-aanounce po namin ang panibagong date ng JulieVer Concert with Boobay in Tel Aviv."

"We will keep you updated. Keep safe everyone," aniya.

Sa kumpirmasyon naman ng talent manager ni Rayver na si Albert Chua sa koordinasyon ng isang pahayagan, sinabi nitong maayos naman ang kalagayan ng team, gayundin ang artists. Hinihintay na lamang daw magbukas ang mga paliparan upang makaalis na sa bansa ang team.

Bago ang deklarasyon ng "state of war" ng Israel sa Palestine, matatandaang nakapaglagalag pa sina Rayver at Julie Anne sa ilang bahagi ng bansa.

MAKI-BALITA: Israel, nagdeklara ng ‘State of War alert’