Naantig ang puso ng mga netizen sa isang Badjao pupil na pumitas na lamang ng mga bulaklak upang iregalo sa kaniyang guro, sa naganap na pagdiriwang ng "World Teachers' Day" noong Oktubre 5.
Ayon sa viral Facebook post ng gurong si Dennis F. Gerodias, 29 anyos mula sa Brgy. Dolho, Bato, Leyte, nilapitan siya ng kaniyang Badjao learner na si John Bryan Sabrani, umagang-umaga bago magsimula ang kanilang klase.
Inabutan siya ng bulaklak nito bilang regalo raw para sa pagdiriwang ng araw ng mga guro. Ito raw ang regalo ng bata sa kaniya dahil wala raw itong perang pambili.
Dito ay humaplos na sa puso ni Teacher Dennis ang handog ni John Bryan, ngunit mas nadagdagan pa ito nang mapag-alaman niya ang dahilan kung bakit wala itong suot na tsinelas.
"This morning, one of my students, a Badjao, approached me and said, 'Sir, I don't have a gift for you today because we don't have money, but I picked flowers to give to you, sir." I noticed that he didn't have slippers or shoes, so I asked him, 'Why don't you have slippers?' He replied, 'I was in a hurry, sir, so I wouldn't be late for class to give this to you.' (Almost every day, I always noticed this child going to school barefoot.)," aniya.
"That time, I didn't know, but my tears fell knowing the child's initiative just to give me flowers. This might be the most beautiful way to start my day. The type of gift doesn't matter; what's more important is the effort the child made to express his love for his teacher."
"Nag-expect na lang jd ko nga walay madawat from the kids, but the Grade 1 learners really prepared something for me. However, this one (my Badjao learner) is really worth sharing. 💙."
"They are the reason why I prefer to teach. They are the reason why I would willingly sacrifice time, energy, and money just to provide them with the knowledge they deserve. Despite the hardships and struggles of my chosen path, I still love my students dearly and my teaching profession . Happy Teachers' Day to all."
Pangako naman ng guro, "PS: If I have money soon, I will buy them slippers or shoes that they can use for school. Saon wala paman jd tawn huhu, basin muabot ra. Grasyahe intawn ko Lord hehehe."
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Dennis na nagtuturo sa Grade 1 ng Dolho Elementary School, isa raw talaga si John Bryan sa masisigasig niyang mag-aaral.
MAKI-BALITA: Regalo ng Badjao pupil sa guro niya, humaplos sa puso ng netizens
Matapos nga raw na mag-viral at maibalita ang kaniyang post ay dumagsa naman ng tulong ang concerned netizens para kay John Bryan.
Gaya ng ipinangako, agad na ipinambili ng mga kagamitan ng guro ang mga tulong-pinansyal na dumating para sa bata.
Ang nakatutuwa pa rito, hindi lamang si John Bryan ang matutulungan kundi maging ang mga kaklase niya, at pati ang pamilya nila.
Balak din ng guro na tulungan na rin ang Badjao learners na nag-aaral sa kanilang paaralan.
"Update!!"
"Nakapamili na kami ng mga tsinelas at rubber shoes para kay John Bryan (yung Badjao learner ko sa viral post) at ang mga classmates nya. Bumili rin kami ng bags na may kompletong school supplies na magagamit nila. Nag-grocery din po kami para sa kanilang pamilya para magamit nila sa pang-araw2x. Bibili na sana kami ng mga complete sets ng uniforms (upper at lower) pati mga school shoes nila nang biglang sumama yung panahon dito (malakas na ulan, kulog at kidlat)."
"Para sa safety ng mga bata, minabuti po naming umuwi muna at ipagpapatuloy ang pamimili bukas ng iba pang mga gamit na kakailanganin nila pati ang bigas at solar para sa tahanan ng pamilya ni John Bryan. Kasalukuyang po naming hinihintay na matapos ang pagkokolekta namin ng mga sizes ng paa sa lahat ng mga Badjao learners namin dito sa Dolho upang mabilhan din po namin silang lahat pati mga school supplies na icocover po sa mga susunod na vlog."
"Antabayanan po ninyo ang simpleng VLOG namin mamayang gabi o bukas. MARAMING SALAMAT PO MGA KA-IPs. Kayo po ang tunay na bayani dahil sa mga tulong na binigay nyo🫶."
Para sa mga nais magpaabot ng tulong, makipag-ugnayan lamang sa Facebook account ni Teacher Dennis.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!