National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang video ng panibagong pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa mga tauhan nito habang nagsasagawa ng rotation at resupply (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kamakailan.

Kitang-kita sa footage ang paglapit ng barko ng CCG sa BRP Cabra, isa sa barko ng Coast Guard na kasama sa escort ng resupply boat nitong Oktubre 4.

Paliwanag ng Coast Guard, nagsagawa muli ng delikadong pagmamaniobra ang barko ng CCG habang ginagampanan ng grupo ang kanilang misyon.

Namataan din ang isang barko ng Chinese maritime militia na naghihintay na lamang ng pagkakataon hindi kalayuan sa lugar upang harangin ang barko ng PCG.

Sa kabila ng sitwasyon, nagtagumpay pa rin ang tropa ng pamahalaan sa kanilang misyon.