Usap-usapan ang naging presentasyon ng "Mini Miss U" grand finalist na si Eury Eleandre, na naganap noong Wednesday episode, Oktubre 4.

Bahagi kasi ng kaniyang piyesa ang tungkol sa kinasangkutang "icing incident" ng "It's Showtime" host na si Vice Ganda at co-host/partner nitong si Ion Perez, na nag-udyok sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-review ulit ang kanilang mga umano'y violations na "nagpatong-patong" na, na humangga na nga sa desisyong masuspinde sila sa loob ng 12 airing days.

“...kaya Meme Vice, sa icing huwag na matatakot, huwag magpapatalo sa tumitingin at nag-iisip ng kakarampot. Makikita rin nila ang nakikita ng inosente kong mga mata,” pahayag ni Eury.

"...kaya pakiusap ng munting batang tulad ko, sa pagpapaligaya, huwag magsasawa. At sa pagtulong sa kapwa, huwag mapapagod. Dahil higit na marami kaming mga naniniwala at nagtitiwala na hindi lason, kundi dulot niyo’y ligaya at inspirasyon."

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

“Kaya madlang people, ipagtanggol ang tagapagtanggol ng kasiyahan,” dagdag pa niya.

Sa bandang dulo naman ay makikitang pumapalakpak para sa kaniya ang partner ni Vice na si Ion Perez.

Si Eury din ang Mini Miss U contestant na nagpaluha kay Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, napaiyak ng ‘Mini Miss U’ contestant

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na makikita sa comment section ng ABS-CBN Entertainment.

"Kudos sa Gumawa ng tula! Ang deep, Galing! And of course dito sa batang ito na napaka husay ng delivery! Great Job!"

"Ang galing ng sumulat at ang galing din ni Eury sa pagtula 🎉 congratulations, nawa'y magkaroon silan ng malinis na pagiisip katulad sa mga bata."

"Galing ni euri,talagang tagos sa puso ang cnsabi nia,madamdamin talaga"

"Ang galing na batang ito. Matalino nasa puso nya ang sinasabi nya."

Samantala, ang rerelyebo umano sa It's Showtime ay ang "It's Your Lucky Day" na binubuo umano nina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Long Mejia.

Nabanggit din ang pangalan nina Andrea Brillantes at magkatambal na "FranSeth" na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Eere ang nabanggit na pamalit na noontime show mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, sa timeslot ng Showtime.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

MAKI-BALITA: ABS-CBN, hindi aapela sa OP kaugnay ng suspensiyon ng It’s Showtime

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’