Nasa ika-16 puwesto na ang Pilipinas sa medal tally sa pagpapatuloy ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ito ay nang makakolekta ng 18 medalya ang bansa, kabilang na ang apat na gold, dalawang silver at 12 bronze.

Nangunguna pa rin sa paghakot ng medalya ang China, Japan at Korea.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Napasakamay ng China ang 354 medalya, tampok ang 187 gold, 104 silver at 63 bronze, at sinusundan ito ng Japan na nakaipon ng 47 gold, 57 silver at 65 bronze.

Hindi rin nagpahuli ang Korea sa nakubrang 171 medalya, tampok ang 36 gold, 50 silver at 85 bronze.