Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos yanigin ng magnitude 6.7 na lindol ang Papua New Guinea nitong Sabado ng hapon, Oktubre 7.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng Phivolcs.

Nangyari umano ang magnitude 6.7 na lindol dakong 4:34 ng hapon (8:34 UTC).

Sa tala ng USGS, namataan ang epicenter ng lindol 56 kilometro ang layo timog-silangan ng Madang, Papua New Guinea, na may lalim na 53 kilometro.

National

Rep. Cendaña, tinanggap apology ni Sen. Bato: ‘Nawa'y magsilbi itong mahalagang aral’

Nakapagtala umano ng aftershocks mula sa lindol, ngunit wala pa naman umanong naitatalang pinsala ang naturang pagyanig.