Milyun-milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 ang puwedeng mapanalunan ngayong Sabado, Oktubre 7.

Sa inilabas na jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo na sa ₱29.7 milyong ang premyo ng Grand Lotto habang aabot sa ₱25 milyon ang Lotto 6/42.

National

Higit ₱74M jackpot sa lotto, walang nanalo -- PCSO

May be an image of 1 person and text

Hinihikayat ng PCSO ang mga lotto bettor na sumugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paboritong numero. Dagdag pa nito, sa halagang ₱20 ay puwede nang maging instant milyonaryo.

Samantala, hindi napanalunan ang mahigit sa ₱74 milyong jackpot sa isinagawang Mega Lotto 6/45 draw nitong Biyernes ng gabi.

Maki-Balita: Higit ₱74M jackpot sa lotto, walang nanalo — PCSO