Kinagiliwan ng mga netizens ang Kapuso actor at host na si Matteo Guidicelli nang mag-post ito ng video sa kaniyang Facebook account habang bumibili ng lumpia para sa mga staff ng full action series mula sa GMA Public Affairs na "Black Rider."

Natuwa rin ang mga netizens sa panlilibre ni Matteo.

Sa caption ani Matteo, "Libreng LUMPIA para sa lahat Dito sa set namin ng BLACK RIDER Dito sa Bulacan. Super bait ni Manang and our friends from Bulacan.

"Guys, it’s lunch break! time to eat and enjoy with our friends and hard working staff from the set of BLACK RIDER.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"KAIN NA!! ako pala si RURU MADRID," aniya pa.

Naaliw rin ang mga netizen sa sinabi ni Matteo na siya si Ruru Madrid. Ang siste kasi, hindi nakilala ng tindera ng lumpia kung sino si Matteo.

Sagot ng aktor habang nakangiti, siya raw si Ruru Madrid. Dali-daling nagpa-picture ang tindera na sa pagkakaalam niya ay si Ruru Madrid nga. Nagtawanan tuloy ang mga kasamang staff ni Matteo.

Pinanindigan ni Matteo all throughout the video na siya nga si Ruru Madrid. Pero sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa better half ni Sarah Geronimo? Dahil ang sumunod na mga eksena ay naglapitan na ang mga taong naroon para magpa-picture nang makitang naroon siya.

Ang nakakaloka, pinagtalunan pa ng mga netizen ang presyong ₱15 na sinabi ng tindera ng lumpia nang magtanong si Matteo kung magkano. Kahit nga raw ang aktor ay nagulat na mahal pala ang lumpia sa Bulacan. Okay lang naman kay Matteo dahil mukhang pinakyaw niya ang tindang lumpia ni ateng tindera na tuwang tuwa sa mga sandaling iyon.

Ang pinaka the best na comment ng mga netizens ay mabait at down to earth daw si Matteo. Yun na!