Halos 10,000 Pinoy na may breast cancer ang namamatay sa Pilipinas kada taon, ayon sa Philippine Cancer Society.

Paliwanag ng presidente ng organisasyon na si Dr. Corazon Ngelangel, ang nasabing kaso ay kabilang sa naitalang 27,163 tinatamaan ng sakit sa bansa kada taon.

Sinabi rin nito, isang porsyento ng breast cancer cases sa bansa ay mula sa mga lalaki. 

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

"And the survival rate is 44.4 percent, relative survival rate over five years for breast cancer among Filipinos, so medyo hindi maganda 'yung picture na 'yan," pagdidiin ni Ngelangel.

Paliwanag naman ni Philippine Society of Medical Oncology president Dr. Arthur Jason Go, posibleng nahihiyang  magpa-check-up ang mga pasyente at iniisip ang malaking gastos kaya hindi kaagad natutukoy ang kanilang sakit.

"Breast is the most common cancer site in the Philippines and in other countries. It is followed by lung, colorectal and liver, so early screening education is important," sabi pa nito.

Panawagan din nito sa mga pasyente, magpakonsulta sakaling makaramdam ng pagbabago sa kanilang dibdib upang maiwasan ang sakit.

 

PNA