Limang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang pinapa-disqualify dahil sa maagang pangangampanya, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
“Inuna namin ‘yung mga disqualification case para nang sa gayon kung talagang mapatunayan na sila ay disqualified talaga, hindi na sila mabobotohan ng ating mga botante,” sabi nito.
“Lahat po ito ay may mga complaints galing sa mga botante, mga tao doon sa lugar. So vinerify po namin ito at in-evaluate kung talagang mayroon ngang ground na posibleng ma-filan sila ng disqualification case,” dagdag pa ni Olaño.