Dumalo ang mga miyembro ng “Baseball Tamaraws Philippines” sa noontime show na “It’s Showtime” kamakailan.

Sa segment na “Mini Miss U”, napansin ni “Unkabogable Star” Vice Ganda ang dala-dalang banner ng mga player ng nasabing team kung saan nakasulat doon ang pangangailangan nila umano ng pandagdag ticket.

“Saan ba kayo pupunta,” tanong ni Tiyang Amy Perez.

Sagot ng isang miyembro ng team: “Singapore po.”

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Sa pagtatanong kasi ni Ogie Alcasid, napag-alamang dalawa pa raw ang wala pang ticket sa team. 

“Huhusayan n’yo ba?” paniniyak ni Vice.

“Opo!”

“O, sige susuportahan namin kayo.”

Sa huli, nanawagan si Vice na sana ay suportahan din sila ng pamahalaan:

“Suportahan natin sila habang nagsisimula. Hindi ‘yung ‘pag nanalo na. ‘Yung iba kasi, didikitan ‘pag nanalo na, di ba. Kailangan grassroots. Sa simula pa lang sinusuportahan na natin.”