Bumagsak na sa ika-22 puwesto ang Pilipinas sa medal tally sa pagpapatuloy ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Sa social media post ng Philippine Olympic Committee (POC) nitong Biyernes ng umaga, nangungulelat pa rin ang Team Pilipinas sa nakubrang 14 medalya, tampok ang dalawang gold, dalawang silver at 10 bronze.

Matatandaang sinikwat nina pole vaulter EJ Obiena at Margarita Ochoa (Jiu Jitsu) ang dalawang gintong medalya.

Nasa Top 3 pa rin sa mga humakot ng medalya ang People's Republic of China, Japan at Republic of Korea.

Nasa 333 ang medalya ng China (179 gold, 99 bronze at 55 silver), 158 naman ang kinolekta ng Japan (44 gold, 54 bronze at 60 silver) at 157 naman ang Korea (33 gold, 47 bronze at 77 silver).

Sa kabila nito, nanawagan pa rin sa publiko ang POC na suportahan pa rin ang mga atletang Pinoy na inaasahang hahakot pa ng medalya.