Tatlo na ang gold medal ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Sinikwat ng Pinay na si Annie Ramirez ang nasabing medalya sa Jiu-Jitsu Women's -57kg category laban kay Galina Duvanova ng Kazakhstan sa XSL gymnasium nitong Biyernes, Oktubre 6.

Si Ramirez ang ikalawang Jiu-Jitsu fighter na nanalo ng gintong medalya pagkatapos magtagumpay ang kasamahang si Margarita Ochoa sa 48kg category nitong Huwebes.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Bago ito, nanalo muna ng bronze medal si Jenna Kaila Napolis nang patumbahin si Hessa Alsham ng United Arab Emirates sa women's 52kg class.