Tinawag ng Viva Films ang atensyon ng Star Cinema na "beke nemen" maging bukas sila sa posibilidad na magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng dalawang superstars na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre sa isang pelikula.

Isang netizen kasi na nagngangalang "Ayel Mari" ang gumawa ng isang video kung saan pinagdugtong nito ang ilang clips mula sa pelikula nina Kath at Nadz.

"The Collab that we all deserve. #kathrynbernardo #nadinelustre #nathryn #fyp #fanedit," ayon sa caption.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Makikitang nagkomento naman dito ang verified TikTok account ng Viva Films.

"G?" saad nito habang naka-tag naman sa TikTok account ng Star Cinema.

Photo courtesy: Screenshot from Ayel Mari/TikTok

Tila sang-ayon naman dito ang mga netizen.

"@abscbn pls make this happen.this would be so iconic.parang vilma nora"

"I really wish they made a movie together.. that would be awesome!"

"OMG PLS MAKE THIS HAPPEN"

"This is very remarkable kapag nangyari ito, ang pagsasama ng dalawang reyna!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng Star Cinema, ABS-CBN, o maging ng dalawang stars na nais ipag-collab ng fans.

Hindi pa nagsasama sa isang proyekto sina Kathryn at Nadine bagama't naging "frontline loveteams" sila noon sa ABS-CBN, noong may JaDine (James Reid at Nadine Lustre) at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) pa. Siyempre, ang katambal ni Kath ay ang reel at real couple na si Daniel Padilla, at kilala sila sa tambalang "KathNiel."