"Literal na ngiting-aso?"

Kinaaliwan ng mga netizen ang video ng isang asong todo-ngiti, labas-ngipin, at marunong bumelat kapag nanghihingi ng food o treat sa kaniyang fur parents.

Batay sa viral video ng "Barako Family," makikita ang cute na cute na video ng asong si "Clear" na sumusunod sa utos ng kaniyang fur parents na ngumiti muna siya bago bigyan ng pagkain.

"Mapapa-smile ka rin ba, pag si Clear ang kangitian mo," mababasa sa caption.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Fernando Bote, Jr., ang may-ari ng blog page, talagang dog lovers sila sa pamilya at nasanay na si Clear na maturuan ng pag-smile sa tuwing may playbite sila.

"Habang nagpe-playbite po kami, doon po nag-umpisa na maturuan ko siya ng smile, halos ilang try pa lang po at nakukuha na pick-up nya po agad yung command," ani Fernando.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 13k reactions at 306 shares, at 1.2k comments ang nabanggit na viral FB post. Kung nais namang masubaybayan si Clear at ang iba pa nilang alaga, mangyaring mag-follow at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel at FB page na "Barako Family."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!