Nakataas pa rin ang Signal No. 3 sa lalawigan ng Batanes dahil sa bagyong Jenny na malapit na sa Southern Taiwan at papalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Oktubre 5.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Typhoon Jenny 140 kilometro ang layo sa North Northwest ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugsong 215 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas na ang Signal No. 3 sa Batanes. 

National

ITCZ, easterlies patuloy ang pag-iral sa PH — PAGASA

Nakataas naman sa Signal No. 2 ang northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.).

Samantala, nakataas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

  • Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
  • Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran)
  • Northern portion ng Apayao (Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Flora)
  • Northern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg, Laoag City)

Samantala, patuloy umanong palalakasin ng Typhoon Jenny ang southwest monsoon o habagat, na posible namang magdala ng ilang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Inaasahan naman umanong magla-landfall ang bagyo sa southern portion ng Taiwan ngayong Huwebes ng umaga, at lalabas ng PAR sa tanghali o gabi. 

“Outside the PAR region, JENNY will continue to move westward (becoming west southwestward to southwestward by Sunday) slowly over the Taiwan Strait and the coastal waters of southeastern China,” saad pa ng PAGASA.