Kinaaliwan ng mga netizen ang viral Facebook post ni "Hazel Florendo" matapos niyang magpa-picture kay "Harry Potter" na ginampanan ng aktor na si Daniel Radcliffe.

Ayon sa uploader na si Hazel, namataan daw niya si "Harry Potter" sa isang resort sa El Nido, Palawan.

"Harry Potter is in the house.. 👏👏👏"

"At Las Cabanas Beach Resort," aniya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"It's one of my favorite International Actor [s]. Namassage ko pa xa. Ay kaswerte .. This is my Lucky day 😊 1 Dream Come true...haaay #humabol pa mga staff Florence Florendo San na Ang stick? 😂."

Kitang-kita naman sa mga ibinahaging larawan ni Hazel na game na game namang nagpa-picture sa kaniya si "Harry Potter."

Hindi nga lang si Daniel Radcliffe.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Hazel, buong akala nga raw niya ay ang aktor na gumanap ng "Harry Potter" ang naispatan niya kaya todo-papicture siya rito.

Saka lang niya nalamang nagkamali siya batay sa comments ng mga netizen.

"Di ko na po nakita yung lalaki. Talagang namagic na po ang mga mata ko or malabo lang talaga ang mata ko," aniya.

Nalaman daw nila na ang pangalan daw ng lalaki ay "Josh" at hindi naman ito na-offend sa kanilang ginawa, lalo na nang mag-viral na ang mga larawan nito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 25k reactions, 8.1k shares, at 2.9k comments ang nabanggit na post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!