Masaya at ipinagmamalaki ng mga netizen ang trending na security guard na pet cat na si "SG Conan" na usap-usapang reincarnated version daw nang namayapang si SG Mingming sa isang kilalang establishment sa Mandaluyong City.

Una nang naitampok sa Balita ang tungkol kay SG Conan na siyang pumalit daw kay SG Mingming, ang security cat na kasama ng mismong mga guwardiya na nagbabantay sa entrada ng Worldwide Corporate Center o WCC.

Matatandaang pinagluksa ng kaniyang mga tagahanga at pet cat lovers ang pagpanaw ni SG Mingming dahil sa lumalang sakit na gingivitis.

Ayon sa uploader na si Nhe Bernal Tres Reyes, mas lumawak pa ang humahanga at nagmamahal kay SG Conan dahil nakarating na rin sa ibang bansa ang balita tungkol sa kaniya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Flex ko lang ang pinag-uusapan at tinaguriang International sensation na si Conan ng WCC, we so proud of you bebe Conan, nabalita ka na sa iba't ibang bansa dahil sa kapogian at ka bibo mo."

"SG Mingming in heaven is [guiding] you and watching you habang nag-vivideo shoot ka kaya napakabehave mo ng araw na yan at di ka nangulit😊you are the living legacy of SG Mingming..."

"We love you Conan," aniya pa.

Makikita sa cat lovers Facebook community na "Cat Lovers Philippines" ang mga kuhang larawan ni SG Conan kasama ang iba pang human security guards, at isa pang security dog.

Congrats, SG Conan!

MAKI-BALITA: ‘Reincarnation?’ SG Mingming may kapalit na, kamukhang-kamukha pa!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!