Tinanggal na ng pamahalaan ang ipinatutupad na price ceiling sa bigas.

National

Bagyong Ferdie, nakalabas na ng PAR; patuloy na pinalalakas habagat

“I think it’s the appropriate time since namimigay tayo ng mga bigas. Yes, we are, as of today, we are lifting the price caps on rice, both for the regular milled rice and for the well-milled rice,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Miyerkules.

“So, tinatanggal na natin ‘yung mga control pero hindi ibig sabihin basta’t ganun na lang dahil kailangan pa rin natin ayusin ang agricultural sector. Kailangan pa rin natin tulungan ang mga pinakamahirap, pinakagutom para kahit papaano makaahon sila," anang Pangulo.

Nitong Miyerkules, nakipagpulong si Marcos sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya ng gobyerno upang talakayin ang planong pagbawi ng gobyerno sa price ceiling sa bigas.

Sa kabila nito, nangako pa rin si Marcos na hindi ititigil ng pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka at pamilyang kapus-palad.

Matatandaang ipinatupad ng gobyerno ang price cap sa bigas nitong Setyembre 5 sa gitna ng pagtaas ng presyo nito sa merkado upang mapanatiling abot-kaya ng publiko.