Diretsahang kinompronta ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa kaniyang programa noong Lunes, Oktubre 2, ang Kapuso actor na si Mikoy Morales kung totoo bang ayaw nito kay Paul Salas bilang nobya ng kaibigang si Mikee Quintos

“How do you resolve that?” tanong ni Tito Boy.

“I got to know the guy. I got to know Paul,” sagot ni Mikoy.

Pero paglilinaw ng aktor, hindi naman niya ayaw si Paul bilang tao kundi iyong posibilidad na baka bumalik ulit si Mikee sa “step one” matapos nitong makabagon mula sa “disaster” na pinagdaanan nito sa buhay.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Mikoy, you were basing, itong diskursong ito, on your impressions on Paul or were you basing that from, you know, from an experience or from friends telling you kung sino si Paul,” sundot na tanong ni Tito Boy.

Agad namang sinalo ni Mikee si Mikoy na tila naubusan ng mga salitang sasabihin noong mga oras na iyon.

“Hindi impression, Tito Boy. Feeling ko, kung ano ‘yung nakita niyang effect ni Paul sa akin,” sabi ni Mikee.

Dagdag pa ni Mikee, naiintindihan niya umano ang ginawang iyon ni Mikoy dahil may kalakip itong “good reason”. Nilinaw din ni Mikee na malay umano si Paul na hindi siya bet ni Mikoy noong una.

Sa huli, kinumpima ni Mikoy na nakausap naman si Paul tungkol dito at nag-effort naman ang huli upang makuha ang approval niya para kay Mikee.

Matutunghayan din sa panayam na ito kung sino ang nakaalitang artista ni Mikoy at kung kaninong aktor umasa ng pagmamahal si Mikee.