Ibinahagi ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang sariling berisyon niya ng nauusong “AI Yearbook” sa kaniyang Instagram account nitong Lunes, Oktubre 2.

“Sana nung naggraduate ako may Ai na dahil talagang na-edit ko sana ng malala pictures ko. Sa halagang 299 pesos am-girl dating ko 😂” saad ni Alex sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “Catherine Gonzaga, 2005. A simple and yet sweet girl with an extraordinary dream. ‘i’ll miss my pals and buddies. See you in LA holla’.”

Pero sa comment section, tila basag-trip ang kaibigan ni Alex na si Luis Manzano. Narito ang nakatutuwang komento ng host-actor:

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Lahat ng pic, halatang nangongopya lang sa katabi”

Tugon naman ni Alex: “@luckymanzano ikaw nga wala pic kasi nagcutting ka ulit nung araw nagpicture nyan.”

“@cathygonzaga - i guess it is a tie 😂”

Hindi ito ang unang sagutan ng dalawa sa post ng bawat isa. Matatandaang umepal din si Luis sa throwback photo ni Alex at ng ate niyang si Toni Gonzaga kamakailan.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, nag-throwback sa pic nila ni Toni; Luis, ‘umepal’