Ibinahagi ni GMA Network TV host/trivia master Kuya Kim Atienza ang pagdiriwang niya ng 2nd anniversary bilang isang Kapuso, na mababasa sa kaniyang Instagram post noong Oktubre 2, 2023.

Ayon kay Kuya Kim, tila kay bilis daw ng dalawang taon at hindi niya namalayan dahil sa dami ng blessings na natanggap niya.

In fairness nga kay Kuya Kim, simula nang lumundag siya mula sa dating home network na ABS-CBN at nakilala siya bilang weather forecaster at trivia master sa "TV Patrol," TV host ng "It's Showtime" at science-themed show na "Matanglawin," ay nagtuloy-tuloy naman ang kaliwa't kanang proyekto niya sa Kapuso Network.

"Today is my official 2nd anniversary as Kapuso," ani Kuya Kim.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pinasalamatan niya ang mga boss at kasamahan sa GMA Network na buong pusong nagtiwala at tumanggap sa kaniya.

"2 years went by in a breeze sa dami ng blessings!"

"Salamat Lord!"

"Salamat to my @gmanetwork bosses for all the love and trust!"

"Salamat to my @gmanetwork colleagues who accepted me as kapuso with all the kindness and hospitality!"

"To God be the glory always!"

Sa comment section ay bumaha naman ng pagbati sa kaniya ang mga netizen.

"indeed u are blessed among the rest from ur previous network! May [puso[ talaga ang Kapuso❤️."

"Congratulations kuya kim.. Your meant to be as a kapuso."

"Isa sa mga maraming shows sa GMA 😁 Happy Anniv sir!"

"Happy 2nd Kuya Kim! Cheers to more years!"

"Dami shows. Deserve sir!"

Matatandaang naging kontrobersiyal ang paglundag ni Kuya Kim sa Kapuso Network noong 2021.

Sa loob ng dalawang taon bilang Kapuso ay naging bahagi si Atienza ng "24 Oras," "Mars Pa More," "Dapat Alam Mo," at "TikToClock."