Kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang pagkamatay ng tatlong Pilipinong mangingisda matapos mabangga umano ng ‘di pa nakikilalang foreign commercial vessel ang sinasakyan nilang bangka sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Maki-Balita: 3 Pinoy na mangingisda, patay nang mabangga ng foreign vessel ang bangka nila sa Scarborough Shoal

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Nanawagan si Hontiveros sa mga awtoridad na dapat panagutin umano ang sinumang gumawa nito sa mga mangingisda.

"I call on the authorities to leave no stone unturned. Kailangang mapanagot ang sinumang gumawa nito: sinuman sila, nasaan man sila. Hindi nila matatakasan ang batas,” saad ng senadora.

“Bajo de Masinloc, since time immemorial, has been a traditional fishing ground of our fisherfolk and is well within the Philippines’ Exclusive Economic Zone. Ito ay karagatang dapat malaya at ligtas sa lahat ng mga mangingisdang naghahanapbuhay,” dagdag pa niya.

Dahil sa nangyaring insidente, muling nanawagan si Hontiveros na taasan ang intelligence funds ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino.

“I once again reiterate my call to increase the intel funds of the Philippine Coast Guard for the safety and security of our fellow Filipinos. Kailangang-kailangan ng PCG ng pondo para sa seguridad, na sya namang tunay na silbi ng intelligence funds,” anang senadora.

Nakiramay si Hontiveros sa pamilya ng mga biktima.

“Buong-puso ang aking pakikiramay sa lahat ng naiwan ng mga biktima. Kasalukuyang sumisikap mag-ugnay ang mga partner networks namin sa kanila. Sama-sama nating ipaglalaban ang katarungan para sa kanilang pamilya at para na rin sa kalayaan ng lahat ng mga mangingisda sa West Philippine Sea.”