Pinayuhan ng social media personality na si Rendon Labador ang vlogger-actress na si Toni Fowler na magbago na ito dahil nagbago na rin daw siya.

Nag-comment si Rendon sa post ng isang pahayagahan tungkol sa sinabi ni Toni na matapang niyang haharapin ang kasong kriminal na isinampa sa kaniya ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maki-Balita: Toni Fowler, ‘bumoses’ sa kasong kriminal na isinampa ng socmed broadcasters

“Toni nagbago na ako, sana magbago ka na rin,” comment ni Rendon sa naturang post, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram story nitong Lunes, Oktubre 2.

“Wala na sanang kabastusan at huwag mo na pakita yung pwet at dede mo sa public, akala mo kasi gusto namin makita yan pero hindi,” dagdag pa niya.

Aniya pa, “lablab na para sa Pilipinas #StayMotivated #PrayForToni.”

Sinabihan niya rin itong mag-public apology sa mga na-offend nito.

Matatandaang noong Setyembre 27, sinampahan ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas si Tonidahil umano sa malalaswa nitong contents sa YouTube channel.

Maki-Balita: Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal ng socmed broadcasters