Usap-usapan ng mga netizen ang pagpapakita ng pisngi ng behind ng social media personality na si Toni Fowler with matching tattoo pa, sa naganap na pagbabalik na "The ABS-CBN Ball 2023" na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel sa Makati City noong Sabado, Setyembre 30.

Naloka ang mga netizen dahil mau butas sa magkabilang pisngi ang suot na black gown ni Toni, at kitang-kita ang mga burdang tattoo rito.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Masyadong OA na!"

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Artistic hehehe, buti hindi niya hinarap during red carpet rampa, baka ma-MTRCB na naman ang ABS."

"Ay wow agaw-eksena haha."

"Cheeks ni Chicky haha."

"haay ang ganda sana ng dress sana inayos yung cutouts"

"Saan ang maganda diyan? Juskolord!"

"Kaya nasisita eh hahahaha."

"Palaban! Nice dress. I love it."

Noong 2022 ay ipinaliwanag ni Toni kung bakit sumailalim siya sa pagpapatambok ng puwet. May kinalaman daw ito sa kaniyang trabaho noon sa isang gentlemen's bar.

"Kaya po ako nagpalaki ng puwet kasi ay limang piso kada talbog pag nagtu-twerk," aniya.

Hindi rin itinanggi at bagkus ay naitampok pa sa vlog ang kaniyang "pagpapasikeps."

Samantala, matatandaang sinagot ni Toni ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMPBI) hinggil sa reklamong inihain nito laban sa kaniya, dahil sa kaniyang umano'y malalaswang music video na naka-upload sa YouTube channel.

MAKI-BALITA: Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal ng socmed broadcasters

MAKI-BALITA: Toni Fowler, ‘bumoses’ sa kasong kriminal na isinampa ng socmed broadcasters