Dinogshow ng mga netizen ang suot na outfit ng aktres na si Maris Racal sa ginanap na ABS-CBN Ball 2023 kamakailan.

Tila kawangis kasi ng outfit ni Maris ang suot ng estatwa sa logo ng Columbia Pictures na may asul na balabal habang hawak ang isang sulo.

Sey tuloy ng Team Kapamilya Facebook page sa caption ng post: “Columbia Pictures, dumalo rin sa ABS-CBN Ball 2023!”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing larawan. Narito ang ilang komento ng mga netizen:

“Grabeh kayo kay Nena!”

“Anggg kurtinaaaaa !!!”

“Beautiful dress Yong ibang nag coment nag kurtena ingit pikit 😂”

“Hala oo nga 😂😂😂😂😂”

“Sana hindi na lang nilagyan ng pa epek na blue 😂”

“Okay naman ahhhh....weehhh ang totoo di rin alam yan ng iba kong di nilagyan ng picture ng columbia. Asus ingit lang naman ah...maganda and stunning😍”

“Hahahaha sa dami Kong tawa grabe naman pati ba naman to , pero ganda ganda ni Mariz”

“Bat humaba agad ang bangs ni nena HAHAHAHA”

Matatandaang kinaaliwan din kamakailan si Maris dahil sa hindi pantay na gupit ng kaniyang bangs.

Kasalukuyang boyfriend ni Maris si singer-songwriter Rico Blanco na kasama niyang rumampa sa ABS-CBN Ball.

Noong 2021, inamin ni Rico na si Maris umano ang kaniyang soulmate nang makapanayam siya ni showbiz-columnist Cristy Fermin sa programa nitong “Cristy Ferminute”.

MAKI-BALITA: Maris Racal, soulmate ni Rico Blanco?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Maris tungkol dito.