Nagpahayag ng pagkadismaya si Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor sa bandang Kamikazee sa ginanap na Casiguran Town Fiesta 2023 noong Linggo, Oktubre 1.

Sa ulat ng GMA News, malinaw na ipinahayag ni Public Information Officer of Sorsogon Dan Mendoza na nagalit umano ang gobernador sa pagtanggi ng banda na magpa-picture sa “16,000 blue roses” na tourist attraction ng lugar.

Pumayag umano noong una ang Kamikazee pero hindi naman daw sumipot noong oras na ng pictorial.

“Inuulit ko, hindi tayo pwede bastusin…Pinipilit ko, pinipilit ko na itaas ang dignidad ng bawat Sorsoganon,” pahayag pa ng gobernador.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Dagdag pa niya, hindi na raw makakabalik pa sa Sorsogon ang Kamikazee dahil marami naman umanong banda na handang magpasaya sa kaniyang mga nasasakupan.

Bilang pakonsuwelo, sinabi niya sa mga tao na pasasayahin sila ni “Unkabogable Star” Vice Ganda at dadalhin pa sa lugar nila si “Popstar Royalty” Sarah Geronimo.

Sa huli, humingi siya ng paumanhin sa lahat ng mga taong dumalo sa pagtitipon.

Bukod sa Kamikazee, naging bahagi rin ng festival ang bandang “Imago” at “I Belong to the Zoo”.

Samantala, wala pang inilalabas na opisyal pahayag ang Kamikazee hinggil sa isyung ito.