Nakaabang na sa mga lotto bettor ang tumataginting na ₱100 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na nakatakdang bolahin ngayong Martes ng gabi, Oktubre 3.

Sa inilabas na jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo sa ₱100 milyon ang premyo ng Super Lotto habang nasa ₱49.5 milyon naman ang Ultra Lotto 6/58 at ₱20 milyon naman sa Lotto 6/42.

Ang mga nabanggit na lotto games ay bobolahin ngayong Martes ng gabi dakong alas-9 ng gabi.

‘Ang healthcare ay hindi lang propesyon!’ 2 nurse, tinulungan manganak isang ginang sa kalsada

Hinihikayat ng PCSO ang mga lotto bettor na sumugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paboritong numero. Dagdag pa nito, sa halagang ₱20 ay puwede nang maging instant milyonaryo.

May be an image of 1 person and text that says 'BAGONG PILIPINAS JACKPOT ESTIMATES TUESDAY, OCTOBER 3, 2023 LLTRD 6/42 P649 ULTRA LOTT6/58 49.5 MILLION NATIONWIDE 100 LOTTO MILLION 18+ 6/42 LOTTO 20 NATIONAL OTTERY MILLION'