Tuluyan nang pumasok sa semifinals si Pinoy boxer Eumir Marcial sa pagpapatuloy ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ito ay matapos i-knockout si Weerapon Jongjoho ng Thailand sa men's 80kg class nitong Linggo ng gabi.

Isang solidong right hook ang pinakawalan ni Marcial na nagpatumba kay Jongjoho, 14 segundo na lamang sa quarterfinal match.

Dahil dito, nakatitiyak na ng bronze medal si Marcial.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Makatatapat ni Marcial si Syrian Ahmad Ghousoon sa semifinals.