Pinagsabong nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika ang dalawang aktres na sina Liza Soberano at Kathryn Bernardo sa kanilang programang “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Oktubre 1.

Napag-usapan kasi ng tatlo ang tungkol sa planong pagpasok ni Liza sa entertainment industry ng South Korea at ang iginawad na “Outstanding Asian Star Award” kay Kathryn Bernardo sa katatapos lang na “2023 Seoul International Drama Awards”.

“Kapagka ang focus ng isang artista, kalat-kalat talaga, walang mangyayari. Samantalang si Kathryn, ‘yung pagganap niya, tumamis na nang tumamis, gumaling na nang gumaling, pataas na nang pataas ang lebel niya,” pahayag ni Cristy.

Sabi pa ng showbiz columnist, huwag umanong ikumpara si Liza kay Kathryn dahil kahit noong aktibo pa umano si Liza, hindi man lang daw ito umungos kay Kathryn.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Kaya no comparison, e. No comparison talaga. Huwag po nating ikumpara si Liza Soberano kay Kathryn Bernardo. Dahil kahit noong aktibo pa po itong si Liza, hindi naman siya umungos man lang ng ganoon kay Kathryn.”

“Hindi siya umungos, hindi niya rin napantayan. Tapos, ito ngayon, milya-milya na,” gatong pa ni Romel.

Matatandaang noong 2022 ay hindi na nag-renew pa ng kontrata si Liza kay Ogie Diaz, sa Star Magic, at sa ABS-CBN, at tuluyan nang lumipat kay James Reid bilang bagong talent manager at sa kompanya nitong Careless Music.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, malaki ang utang na loob kay Liza Soberano; Si James Reid na raw ang bagong manager?

MAKI-BALITA: James Reid, ‘proud manager’ kay Liza Soberano – Balita