Muling lumikha ng kasaysayan si K-pop megastar Lisa, miyembro ng BLACKPINK, matapos kilalanin ang kaniyang awiting "MONEY" bilang pinakaunang K-pop track ng isang solo artist na umabot sa 1 billion streams sa Spotify, ayon sa Guinness World Records (GWR).
Sa ulat ng GWR, mula nang i-release ni Lisa noong Nobyembre 9, 2021 ang kaniyang awiting “MONEY,” ang B-side ng kaniyang debut single na “LALISA,” humakot na umano ito ng mahigit 1 billion streams sa Spotify.
“Less than two years later, it’s been played more than ONE BILLION times by her fans around the globe,” anang GWR.
Isa rin umano ang music video ng “MONEY” sa most popular videos sa YouTube account ng BLACKPINK, kung saan umabot na raw ito sa 904 million views.
“Like her fellow BLACKPINK members Jisoo, Jennie and Rosé, Lisa has been enjoying much success as a solo artist,” saad ng GWR.
“She’s got 10.68 million monthly Spotify listeners and as of 21 September, ‘MONEY’ has amassed 1,002,683,408 streams,” dagdag pa nito.
Samantala, kamakailan lamang ay kinilala rin ng GWR ang BLACKPINK bilang most streamed female band sa Spotify sa buong mundo.