Lumakas pa at isa nang ganap na “typhoon” ang bagyong Jenny, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Oktubre 2.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Typhoon Jenny 655 kilometro ang layo sa silangan ng Aparri, Cagayan, o 665 kilometro ang layo sa silangan ng Calayan, Cagayan, na may lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugsong 150 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • Eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Baggao, Gattaran, Peñablanca)
  • Eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” anang PAGASA.

“The most likely highest Wind Signal that will be hoisted is Wind Signal No. 2, although the potential for Wind Signal No. 3 is not ruled out at this time,” dagdag pa nito.

Samantala, patuloy umanong palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat, na posible namang magdala ng mga pag-ulan sa western portions ng Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa susunod na tatlong araw.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng gabi, Oktubre 5, o sa Biyernes ng umaga, Oktubre 6.