Sampu na ang medalya ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China nitong Lunes ng gabi.

Ito ay nang makakuha ng bronze si Tokyo Olympian Elreen Ando sa weightlifting women's 64kg event.

Hazing, muling isinusulong na wakasan!

Si Ando ay nasa likuran ni gold medalist Unsim Rim ng North Korea at Xinyi Pei ng China.

Nasa 222kg ang binuhat ni Ando, tampok ang 96 kilograms sa snatch at 126kg naman sa clean and jerk.

Kabilang sa nakubrang medalya ng Pilipinas ang isang gold, isang silver at walong bronze.